Top Ads

Teaser ng Pinoy version ng ‘Descendants of the Sun’, ipinasilip | Chika Muna

Teaser pa lang, puno na ng pinagsamang aksyon at kilig ang inaabangang Philippine adaptation ng sikat na Korean drama sequence na “Descendants of the Sun.”

Sa trailer, ipinakita ang pagsabak ni Captain Lucas Manalo o Big Boss, na ginagampanan ni Dingdong Dantes, sa tila isang mapanganib na misyon.

May patikim din na kilig nang magkita sina Big Boss at Dr. Maxine dela Cruz, na ginagampanan ni Jennylyn Mercado.

Sa pangalawang teaser naman, makikita ang naudlot na pag-iibigan nina Technical Sergeant Diego Ramos at Lieutenant Moira Defensor dahil sa kanilang mga trabaho bilang sundalo.

Ginagampanan ng aktor na si Rocco Nacino si Sergeant Diego Ramos, at si Jasmine Curtis-Smith naman si Lieutenant Moira Defensor.

Mapapanood ang full trailer ng ‘Descendants of the Sun’ sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa Linggo.

Ipalalabas sa GMA-7 sa primetime block ang “Descendants of the Sun” sa 2020.–FRJ, GMA information

Post a Comment

0 Comments