Top Ads

Doc. Nielsen ng ‘Born to be Wild,’ tumulong sa rescue ops ng mga hayop sa Batangas | Chika Muna

Kabilang ang “Born To Be Wild” sa iba’t ibang grupo na nagsagawa ng rescue mission sa mga hayop na naiwan ng kani-kanilang amo dahil sa pag-alburuto ng Taal Volcano.

Kasama ang nga volunteer ng animal lover group na Guardians of the Fur, nagbigay ng ayuda sa mga nasagip na hayop ang host at resident veterinarian ng “Born to be Wild” na si Doc. Nielsen Donato.

Sa isang larawan ng ipinost sa Facebook web page ng “Born To Be Wild,” makikita ang matinding pinsalang idinulot ng pagputok ng bulkang Taal sa Talisay, Batangas.

“Makikita sa mga larawang ito ang ilang mga aso at pusa na nasagip at nasa maayos na ngayong kalagayan sa tulong na rin ng volunteer members ng Guardians of the Fur,” ayon sa put up.

Sa isa namang video, pinapainom ni Doc Nielson ng gatas sa pamamagitan ng heringgilya ang isang maliit na tuta

“Nakita natin ‘yung sitwasyon ‘dun na stressed ‘yung nanay, hindi nag-po-produce ng enough milk kaya may nakita kaming namatay na puppies ‘dun,” saad niya.

FRJ, GMA News

Post a Comment

0 Comments