Top Ads

Liezel Lopez, gustong sundan ang yapak ng idol na si Katrina Halili | Chika Muna

Kasama sa 2020 targets ng “Starstruck 6” alumna at ka-“Bubble Gang” na si Liezel Lopez ang lalo pang magpapa-sexy at masundan ang yapak ng kaniyang idolo na si Katrina Halili bilang isang horny kontrabida.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, inihayag ni Liezel na nais pa niyang maipakita ang kaniyang  sexiness ngayong taon.

“Challenging din ‘yun sa ‘kin na ang wish ko for this 2020 is sana mas mapakita ko pa ang aking sexiness,” natatawa niyang sabi.”Ibig sabihin meron na kong goals for this 2020 na mas lalong galingan, magpa-sexy pa.”

Pabor din siya na mabigyan ng imahe bilang horny kontrabida gaya ng paborito niyang si Katrina.

“Si Miss Katrina Halili po talaga. Siyempre simula bata pa lang ako, siya na ‘yung talagang number one kontrabida for me. Simula ‘Darna,’ ‘Marimar’ part one and two, siya na talaga’ng ultimate,” ayon kay Liezel.

Nagpapasalamat din si Liezel  sa mga break na ibinibigay sa kaniya ng GMA. Regular siyang napapanood sa “Bubble Gang” at could bago rin siyang seryeng kabibilangan kung saan ipapakita niya  ang kaniyang pagiging horny kontrabida.

“Sobrang grateful [ako] sa GMA at binigyan ako, pinagkalooban ako, they trusted me with this project. And also I’m very excited to start na mag-taping sa aming new show,” pahayag ng 22-anyos na aktres.

Ang ideas si Liezel sa kababaihan para magkaroon ng magandang kalusugan at pangangatawan.

“Drink more water lang. ‘Wag masyadong magpupuyat at quit bad habits — smoking, drinking,” aniya.

“Minsan na lang po ako naggi-gym pero I still do it. More on cardio ako. So more on diet talaga. No rice, ganyan. Ulam muna, papak-papak,” dagdag niya.–FRJ, GMA News

Post a Comment

0 Comments