Top Ads

Magkapatid na Sanya at Jak, nag-away noon dahil sa pancit canton? | Chika Muna

Sa “Artistambayan,” binalikan ni Sanya Lopez ang naging away nila ng kapatid na si Jak Roberto noong mga bata pa sila nang dahil sa pancit canton.

Ayon kay Sanya, isang pack lang ng pancit canton ang kaya nilang bilhin noong bata pa.

“Nung time na ‘yon siya yung magluluto… ‘di ba mayroon yung souce so sayang ‘yon. May kanin; masarap kasi [yon] ‘kapag pinatner mo sa kanin tapos ipapahid mo dun sa…nagtalo kami talaga,” balik-tanaw niya.

Mayroon pang mga pagkakataon na napapaiyak si Sanya lalo kapag could suntukan sa legs, na kadalasang ginagawa ng mga bata.

Ngayong malalaki na sila, sinabi ni Sanya na hindi pa rin naiiwasan ang away-kapatid nila ni Jak kahit sa mga simpleng bagay. Panoorin ang masaya niyang alaala nung mga bata pa sila ni Jak.

Jamil Santos/FRJ, GMA News

Post a Comment

0 Comments