Top Ads

Lovi Poe, handa na kayang magpakasal sa bf na si Montgomery Blencowe?

Sunod-sunod ang engagement at kasalan ng mga celeb. Sumunod na rin kaya ang Kapuso primetime actress na si Lovi Poe at ang nobyo niyang foreigner na si Montgomery Blencowe?

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News “24 Oras” nitong Lunes, sinabing mula sa kaniyang bakasyon sa California, balik-trabaho na agad si Lovi, na might dalawang pelikulang ipalalabas sa bansa.

Nagbakasyon sa Amerika si Lovi nakasama ang boyfriend niyang si Montgomery.

“Very happy ang birthday and Valentine’s,” saad ng aktres.”Ang na-realize namin noong Christmas at New Year’s na since long distance ‘yung relationship, hindi naman importante kung sa’n kayo magse-celebrate,  ang importante magkasama kayo.”

Wala pa rin daw sa plano nina Lovi at Montgemery ang pagpapakasal dahil precedence pa rin nila ang kaniya-kaniyang profession.

Mapapanood si Lovi sa bago niyang pelikula na “Hindi Tayo Puwede,” na isa uncooked kakaibang love story at na-enjoy niya ang kaniyang karakter.

“Hopeless romantic. Mahilig sa mga pelikula na magaganda ‘yung ending. Ayaw niya ng tragic ending, gusto niya ‘yung mga bida lagi ‘yung nagkakatuluyan,” kuwento ni Lovi.

Samantala, official entry din sa Sinag Maynila Film Festival sa susunod na buwan ang isa pang pelikula ni lovi  na “Latay,” kasama naman si Allen Dizon.–FRJ, GMA News

Post a Comment

0 Comments