Top Ads

Kapuso stars, naghandog ng inspirational songs sa gitna ng pagsubok dulot ng COVID-19

Ginamit ng Kapuso stars ang kani-kanilang mga talento para makapaghandog ng inspirational songs ngayong nahaharap ang buong mundo sa COVID-19 disaster. Kabilang dito ang nakaantig na “Soldier in White” ni ‘The Clash Season 1’ finalist Garrett Bolden.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago nitong Miyerkoles, sinabing tatlong taon na ang nakalipas nang isulat ni Senate President Tito Sotto ang kantang “A Song of Hope,” na inawit ng Broadway Boys ng “Eat Bulaga.”

May lyrics itong tungkol sa mga taong could iba’t ibang antas ng buhay, pero could Diyos na gumagabay sa lahat, na siya namang binagayan ng melody ng kanta.

“Talagang guided ang feeling ko noong sinusulat ko ‘yan eh kasi hindi ko rin akalain na ang mga lyrics na sinusulat ko o nilalagay ko, later on noong tina-translate ko sa naka-highlight na dulo ng kanta is equivalent to the Divine Mercy,” sabi ni Tito Sen.

May pamagat namang “Soldier in White” ang handog na awitin ng The Clash Season 1 finalist na si Garrett Bolden para sa frontliners. Nilikha ito ng composer na si Lolito Go.

Naantig na agad si Garrett nang una palang niya marinig ang awitin, at nasa isip na niya ang magigiting na frontliners.

“Na-sacrifice ‘yung mga buhay nila para maprotektahan tayo, especially ‘yung mga patients na may COVID-19. So yes na-inspired po ako nang husto listening to the song and to record the song,” ayon kay Garrett.

Na-touch si Garrett sa lyrics na “I can’t thank you enough, I can’t…”

“Para po sa frontliners, maraming maraming salamat po sa lahat ng mga ginawa ninyo para po sa amin, para maligtas ‘yung mga pasyente, ‘yung mga tao na nakaranas po nitong [COVID-19],” sabi ni Garrett.

Malaking karangalan naman para kina Bianca Umali, Hannah Precillas, Crystal Paras at Matt Lozano na sila ang napili para maging bahagi ng “Prayer for Generosity.”

Isa itong panalangin sa pamamagitan ng kanta. Hindi man nagkita-kita, nagawa pa rin nila ang kanta sa pamamagitan ng web.

“To have the song heard and made for the people who have to hear it, for the purpose of the song and for people to know na malaki ‘yung suporta namin para sa kanila,” sabi ni Bianca.–Jamil Santos/FRJ, GMA News

Post a Comment

0 Comments