Top Ads

Ara Mina, namahagi ng saku-sakong bigas sa ilang lugar na apektado ng pandemic

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Ara Mina ang ginawa nilang pamamahagi ng napakaraming bigas sa ilang lugar na labis na apektado ng krisis dulot ng COVID-19.

Sa larawan na ipinost ni Ara, inihayag ng aktres na ang mga mga bigas na nakakarga sa isang malaking truck ay ipamamahagi umano sa ilang lugar tulad ng Laguna, Rizal, Pampanga, Quezon City at Caloocan.

“Ang munting tulong na ito ng aming #TEAMDARVE ay sana malayo ang marating. Salamat sa lahat ng LGU’S at volunteers na tumulong sa pamamahagi ng aming nakayanan,” saad niya sa caption.

“Kaya natin ito! Tulong-tulong tayo!,” pahabol pa niya.

 

 

Bukod kay Ara, marami rin iba pang celebrities ang gumawa ng paraan para matulong sa mga nangangailangan ngayon panahon ng krisis at maging sa paghahanap ng paraan upang masuportahan ang mga frontliner. —FRJ, GMA News

Post a Comment

0 Comments